Thursday, December 17, 2009

Beware of BPO Companies

I just quit from a BPO industry. Actually, basta nalang ako nag AWOL. Di ko na kaya policies nila, and it will be my deepest pleasure if they will terminate me immediately.

Here are some of the outrageous differences from an old-school (semicon is my example) industry versus a BPO (call center) industry:

1. Sa old-school(semicon ako dati), kapag umabsent ka, absent ka. Di kailangang mag OT no pay ang mga teammates mo. Sa BPO, kapag umabsent ka, may consequence sa mga teammates mo (like OT NO Pay for each team member), at magagalit pa sila sayo, at mumurahin ka pa behind your back (things like "mamatay ka na lang" or "wag ka nang babalik"). Naranasan ko yung emotional blackmail ng team leader ko:
"Tatay ko (who was hospitalized) or teammates ko (who rendered 30 minute No Pay OT for 3 consecutive days, Haha para naman matuto kayo ng humility!)".

2. Sa old-school, kapag late ka, bawas sa sweldo mo yun at syempre may consequence sa performance mo. Sa BPO, kapag late ka, bawas sa sweldo mo, kailangan mo pang bawiin ang late mo, may immediate sanction ka pa, at may consequence pa sa compliance mo, at sa groupmates mo. Shit.

3. Sa old-school, ang kasama ko mga mature na tao, mga matatanda (30 to 40 years old, but even people of lower age display elderly and respectful manners), mga tunay na professionals, at kagalang-galang. Sa BPO, mga kabataan na tumagal lang ng 7 years, professionalism na ang religion nila, pero ni hindi nga nya maramdaman na magreresign na empleyado nya, magaling na nga performance mo bulok ka pa rin, at sya pa rin ang magaling. Nakakainis, Power Tripper talaga...

4. Sa old school, performance mo, performance mo lang. Kung bulok ka, malalaman nila, at mag-isa ka lang dapat mabulok. Sa BPO kapag bulok ang isa, bulok lahat. I know its team work, pero feeling ko mas lalong bubulok ang bulok kapag pinagkakaisahan na sya. Hindi lahat ng tao, mabilis matuto. Para sakin, magalit ka lang sa tanga kapag may namamatay na sa kabilang linya, nakatanga ka pa rin. Palibhasa kasi, performance ng isa, performance ng lahat. It's either galingan sa pagtuturo, o i-counseling nyo na lang. Kung ako, sasabihin ko sa kanya mag-resign na lang sya at maghanap ng ibang trabaho.

5. Sa old-school maraming manginginom, sunog-baga, mabisyo, babaero, etc, etc... Sa BPO, mas maraming manginginom, sunog-baga, mabisyo, babaero, lalakero, etc, etc at a worse condition, at mga talubata (kabataan, para sa mga non-old age speakers) pa. Sa old-school kasi mga tunay na mature ang mga tao. Kung may bisyo man, magyosi man let's say, dun sa di kita ng tao, o kaya sa malayong lugar. Kung maginuman man, walang anunsyo sa lobby na akala mo naghahanap ng away, at sa bahay-bahay lang, either videoke o kaya Playstation, or swimming kung may holidays. Sa BPO, papasok ka pa lang sa lobby amoy usok ka na. Paglabas mo sa umaga, sa halip na morning dew malanghap mo, usok at bad breath. Kapag tiningnan mo sa malayo akala mo nga may sunog sa lobby ng building eh. Pagdating sa inuman, syempre tuwing umaga yan. Parang aswang, ang nightlife nila umaga. Ok lang naman ang Starbucks, sino ba namang may ayaw ng mahal nilang kape, pero kailangan mo bang i-anunsyo sa lahat ng tao, three times na pupunta ka ng Starbucks? Maa-appreciate pa namin kung sasabihin mong marami kang pera...

6. Sa old-school, kung naiihi ka, umihi ka. Kung natatae ka tumae ka. Wag kang magkakalat sa cleanroom o kaya sa operating room. Sa BPO, pagalingan sa pagcontrol - talo ka kung BIOMAN ka (y'know, Bio breaks). Or better yet, seryosohin mo ang running jokes nila - arinola o kaya catheter.

7. Sa old-school, ang company mo may client, client mo may customer, pero wala kang interaction sa customer ng client mo. Ang poproblemahin mo lang, yung kumpanya mo. Sa BPO ganun din naman - company has clients, clients has customer. Kaso ang agent tatlo ang kalaban - yung BPO company, yung client ng company, pati yung customer. Kahit confident ka na masosolve mo problema ni customer, hahanapin ni customer american agent parin, wala bang balls ang mga clients na yan na harapin ang customer nila? Takot sa irate customers?. Sa bagay, Filipinos offer cheaper work force, but it shouldn't mean that we are cheaper than those Westerners.

8. Sa old-school, may kooperatiba - nagkakapera ka na, nakakatulong ka pa. Sa BPO, ang alam ko wala - ano bang alam ng mga talubata sa mga ganung bagay? Credit card lang ata ang alam nila.

9. Sa old-school ang party wholesome, mas lalo na kapag xmas party - may comedians, family-valued entertainments, celebrities (with real entertaining talents ha) - as in for a fun-filled family day talaga. Ang venue, kung hindi malaking parking lot (kapag medyo mahina ang ekonomiya), sa araneta coliseum, sa cuneta astrodome, etc, etc. Sa BPO, ewan. Isipin mo na lang kung anong uri ng party ang nasa isip ng mga kabataan ngayon. Tsaka syempre sa gabi yun. Tsaka yung attendance mo inuungkat pa, akala mo gumawa ka ng kasalanan kung di ka sisipot.

10. Sa old-school, wala kang e-mail, wala kang instant messenger, wala kang sariling computer, (well, based on my experience ha), pero masarap ang usapan at kwentuhan. Marami kang natututunan through verbal communication - stories about love and life, work and play - mararamdaman mo ang buhay mo. Sa BPO, puro heads-up and messages, pero di naman nakakaheads up (mapapailing ka lang). E-mail address mo napupuno pero data laman, IM mo bigla na lang bumubukas mas lalo na kapag may calls ka. Peste sa trabaho, istorbo pa.

11. Sa old-school, kapag may problema ka sa isang tao, ramdam yan ng iba kaya napaguusapan. Sa BPO, pwede mong murahin yung customer through mute button, pero yung katabi mo tinatamaan, haha! Customer service kuno, plastikan ang labanan. I have some sort of rubik's complex (and martyr complex as well), kaya di ko minumura customer, kahit gaano pa sya katanga - I just wanna solve the problem. Kaso yung ibang mga agents, ginagawang stress reliever ang pagmumura sa customer plus mute button. Haay.....


I'm not bragging, but with all honesty, my last stats show an average handling time (AHT) of 5 minutes and QA is 96%. They said it was good for a newbie, and they say "Good Job" which comes out of the nose (shit, mas gusto ko wag na lang kayong magsalita). Pero nakukunsensya ako (kahit papaano) na basta na lang akong nawala, which rendered a lot of OTYs (Overtime thank you!) from them. Well, uunahin ko pa ba sila sa tatay ko na isinugod sa ospital? No way, man....

Kung ang mensahe kong ito ay napaka unprofessional para sa iba, sasabihin ko sa kanila na "SA INYO NA PROFESSIONALISM NYO, ULOL!" Para sa akin, character parin ang mahalaga. Di bale nang magutom ako, atleast napanatili ko pagkatao ko. Sabihan mo na akong impraktikal at tanga, sabihin ko sa yo "dakila naman", at hinding hindi na ako papadala sa tamis ng pangako ng call center jobs.

Syempre di ko naman nilalahat, pero kitang-kita naman - dahil sa nagbabago na ang panahon, at sa panahon ng kahirapan tulad ngayon, pera-pera nalang ang labanan, nawawala na ang prinsipyo ng Dangal sa Paggawa. Basta may trabaho, lunok na lang ng lunok ng bato. Hindi lahat nagiging Darna, kaya tigilan nyo na ang pag-aasam ng madaliang hiring.

Professionalism is my enemy, I do not believe in its principles. Or maybe I just have a different view on what professionalism is all about. Maraming tao sa mundo ang janitor lang, noodle vendor lang, katulong lang, pero nandun ang puso nila.

To be able to have your heart in your work, that's what's important. When you are in a state where you love your work, you don't have to be professional. That is why even though there are people who have blue-collar jobs (or what others call a dirty job), they are perfectly happy.

I found this exerpt from Skye Thomas' website:

"The salesman has replaced his real authentic personality with a fake personality. That is professionalism, a fake personality displayed at work. Professionalism is that happy happy joy joy smiley face that people often feel forced to maintain. No matter what is happening in your real life, you are to behave as if you are a perfectly happy robot at work. I hate professionalism. It alienates people from each other. It makes the world a colder uglier place. As a consumer, all things equal, I would give my business to someone w
ho is authentically grumpy instead of someone who is pretending to be super nice"

Sana marealize ng mga tao, mas lalo na ng mga kabataan, na hindi talaga maganda yung sakay lang ng sakay sa kung ano ang uso at kung anong madali. Nag-apply ako sa call center industry, kasi gusto kong masaksihan ang katotohanan sa likod ng usapan tungkol sa pangako ng magandang buhay ng pagtatrabaho sa isang call center agency. Professionalism kono, di naman pala masaya.

Para dun sa mga nagtatrabaho sa mga BPO companies na hindi sumasangayon sa kin, well congrats. Nawa'y masaya kayo sa buhay nyo. Dun sa mga kagaya ko ang experience - Haay..... Alamin na lang natin sa sarili natin yung tunay na gustong maging tabaho ng puso natin at tuparin ang tunay nating mga pangarap...

PS: I wonder how high their attrition rate is... probably I'm the 7th one to leave the company...

0 comments: