Cut the crap, you know what I mean - hindi sila basta-basta robot na dapat ikumpara sa Voltes V o kaya Daimos na akala mo walang logic na basta na lang naging robot na sumisipa at maraming weapons. I mean, look at this:
Mukha ba syang ordinaryong "robot" lamang?! This thing is a beautiful work of art!
Ikumpara sa pambansang robot ng Pilipinas:
Mukhang timang talaga si Voltes V. Biruin mo si Voltes V may piloto kahit sa paa?
Sa paa, na kanya ring isinisipa sa kalaban?
Oh, tingnan nyo to - ito ang latest na gundam na ipo-produce ngayon. Tingnan nyo mabuti na walang panama si Voltes Cinco sa kanya - Unicorn Gundam:
Oh di ba? Panis! Kaso nung nireresearch ko yung history ng gundam, nakita ko na 1979 ipinalabas ang kauna-unahang Gundam series, samantalang ang Voltes V was aired in Japan in 1977. So naconfuze ako - bakit mas maganda ang mga Gundams kesa kay Voltes V?
Nashock ako nung mapanood ko ang unang opening theme ng kauna-unahang Gundam series - tapos nasabi ko sa sarili ko - I love you, Voltes V:
Holy Cow.... I guess I should ask for absolution from those I offended, saying Voltes V is a wuss...
1 comments:
Voltes V is better for the nostalgia though I think na mas obscure siya keysa sa Gundam. We all know na mas sikat yung Voltes V dito sa Pinas compared to other countries like the US.
Post a Comment