Saturday, February 7, 2009

Bad News, Good News...



Well... Ano ba uunahin ko? Good news o Bad news?

Bad news:

Wala na akong trabaho! yeah! Dahil sa letsugas na global recession na yan (at sa mga malalakas gumamit ng CREDIT CARDS na di naman marunong MAGBAYAD) marami ang nawawalan ng trabaho! DAMN!

Good news:

Actually, ok lang naman nung nawalan ako ng trabaho, kasi nakaka paranoid din kapag nasa byahe ka palang papasok sa trabaho eh panay na ang utos ng amo mo via text messages - kakapraning! At isa pa, binigyan naman kami ng separation pay na medyo nakakapagpataba ng bulsa (hehe). tsaka ako naman yung kusang nagvolunteer na umalis kasi nga working student ako (kaso mukhang paaalisin din naman nila ako, kusa man akong magvolunteer o hinde! Shet ^_^).

Pero eto talaga ang Good news:
Ako kasi laging nagboblog sa net via phone (Sony Ericsson). Yung phone na gamit ko, K850 dinispatsa ko na, di kasi sumikat dito sa Pinas yung model eh (5 MP pa man din), si James Bond kasi inendorso yung sumunod na model (C902). Kaya yung separation pay na nakuha ko ibinili ko ng bagong Cell phone na nakikita nyo ngayon - Dyaran! C905, with 8 MP autofocus camera. Asteg!!! bagong buhay, bagong phone.... Sana di eto ang katapusan ng mga luho ko sa buhay (huhuhuhu ^_^')


0 comments: